Tuesday, March 30, 2010

Bonggang-bonggang pagmamahal kay Hesus

Nabasa nio ba yung Gospel reading today (John 12:1-1) para sa Lunes Santo?
Kung hindi eh kwento ko lang ng maiksi sa inyo.

Nagpunta si Hesus sa bahay ng magkakapatid na Martha. Maria at Lazarus(oo si Lazarus yung binuhay muli ni Hesus). Habang naghahanda ng hapunan si Martha sa kusina eh si Maria ay nilinis ang paa ni Hesus gamit ang sobrang mahal na pabango at ipinamunas pa nya ang kanyang buhok pra matuyo ang mga paa nito.

Parang hindi nagustuhan ni Hudas Iscariot ang ginawa ni Maria kaya tinanong nya ang Guro "sinayang lamang niya ang mahal na pabango. Kung ibinenta na lamang nya yon edi sana madami shang pera ngayon at itong pera na ito ay ipinamahagi nya sa mga mahihirap". Sabi sa ebanghelyo eh nasabi ito ni Hudas hindi dahil concerned sya sa mahihirap pero dahil sa corrupt at magnanakaw sha (guilty!)

Pero sabi ni Hesus, "hayaan mo shang gawin ang kanyang ginagawa hanggang sa aking kamatayan". (buti nga napahiya si hudas).

Ayun, share ko lang sa inyo ang aking personal reflection sa katauhan ni Maria at ni Hudas.

Si Maria, sa simula palang ay nakita na natin ang kanyang pagmamahal at dedikasyon sa ating Panginoon. Kung artista lang si Hesus eh sha na siguro ang pinaka-die hard fan nito, baka nga presidente pa sha ng fans club. Hindi lamang sha tagasunod ni Hesus bagkus ay isinasabuhay nya ang mga aral ni Hesus at ibinibigay nya ang nararapat na pagkilala sa kanya. Yung nangyaring paghuhugas ng mamahaling pabango eh pinapakita nito kung hanggang saan ang kayang ibigay ni Maria para kay Hesus. Kumbaga to the great extent na ito ng kanyang pagkilala.

Ipinapakita nito ang generosity ni Maria para kay Hesus. Dahil imbes na ibenta nya at kumita ng maraming salapi ay ibinahagi na lamang nya ang pabango kay Hesus.

At since wala naman si Hesus sa ating panahon ngayon eh ibaling nalang natin ang ating attensyon sa kapwa tao na nangangailangan ng tulong.

Remembe the famous quote: "Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo eh ginawa mo narin sa akin" - Hesus

Ano nga ba ang importante sa buhay mo ngayon na kaya mong i-share sa iba?

Kung mahalaga sayo ang oras, why not spend an hour doing volunteering works sa mga orphange, home for the aged or sa kulungan?
Kung mahalaga sayo ang pera, why not magbigay ka ng konting contribution duon sa mga nasunugan o di kaya ay apektado ng mga kalamidad o sa mga gawaing pang komunidad.
Kung mahalaga sayo ang pakikipag-usap, why not i-share mo naman ang iyong oras sa pakikinig sa mga kaibigang nalulungkot at gustong maglabas ng sama ng loob o di kaya sa mga nalulumbay at homesick na.
Kung mahalaga sayo ang internet, why not use it to spread the word of the lord, magbigay aliw sa ibang nakakabasa (wag naman puro emo o drama, pero shempre kanya-kanyang trip parin yun.suggestion lang naman ang sa akin), o di kaya ay kumustahin mo naman yung mga kaibigan mo na nasa disyerto at malay mo homesick na sha dun!

Ayun, so kay Hudas naman tayo, shall we (ang haba ng blog noh?pasensha na ha inspired lang kasi magsulat ngayon)

Kung si Maria eh saksakan ng generous sa pagmamahal kay Hesus eh ito namang si Hudas ay ganid na nilalang! Actually mukha shang pera (fyi:sha pala ang treasurer ni Hesus sa kanilang grupo). Hinid nakita ni Hudas ang pagpapahalagang ginawa ni Maria para kay Hesus, kaya nung nakita nya na sinasayang (kuno) ni Maria ang pabango eh nagreact ito. Kumbaga mas inisip pa nya ang kikitaing pera sa pagbebenta ng pabango kaysa sa pagkilala at pagpapahalaga na ginawa ni Maria. Nabulag na ng pagkaganid sa pera itong si Hudas kaya napakadali nyang itakwil si Hesus sa halagang 30 pilak.

Greediness leads to Selfishness. Selfishness leads to Envy. Envy leads to Pride.

(fyi ulit: pride is what keeps Satan in hell. His pride is so high that he doesnt want to ask forgiveness to God the Father for attempting to unseat him in heaven)

HALA! LAGOT!!

So ayun, sa mga taong greed sa buhay, sa work, sa mga kaibigan, sa pera, sa relationship, and what not, eh sana you may find in your heart to share what you have.

So, sino sa dalawa (kay Maria at Hudas) ang gusto mong maging??

1 comment:

escape said...

ayan may mga reflections na. tamang tama at holy week na.