So kumusta ka naman? Nageenjoy kaba ngayon at napigilan mo ako sa Level 4-7 ng PvZ? Sa akin eh ok lang naman, though I have to admit I’ve spent a week working out on that level and even adjusting my sleeping time from 10:00 pm to 11:30 pm para lang matapos kita. Akala ko nung natapos ko ang Level 1-10 at nakakuha ako ng sunflower trophy eh natapos na kita. Pinagyabang ko pa nga sa facebook na natapos na rin kita sa wakas at nagplano na akong simulan yung laro na “Angry Birds” daw (Diko parin nga magets kung bakit nag-aaway yung mga ibon at baboy nay un!) Hay buhay nga naman, so complicated! Anyhow mabalik ako sayo Mr. Zombie (or zombies kung marami ang nakakabasa nito), may mga katanungan ako na humihingi ng kasagutan mula sa inyo. Feeling ko dinadaya nio ako and since I hate cheaters eh im giving you an opportunity to air your side and explain. So here’s my list questions to you:
- Si Magnet-shroom supposedly eh mamagnetin daw yung mga metal object, hindi nia mina-magnet yung orange-triangle-na-parang-nilalagay-sa-highway-thingy. Di ba made of metal naman yun?
- Buti hindi kayo dinemanda nung ginawa niong kampon ng kadiliman si MJ (with matching back-up dancer)?
- Sa rooftop setting naman, ang daya nung biglang lumalabas na kaibigan niong zombie mula sa itaas. Wala naming scissor-shroom sa mga plants so hindi ko sha puede putulin o guntingin. Pakisabihan nalang yung mga zombies na yon na sa lupa lang sila lumaban para patas kamo.
- Dapat pag tinamaan kayo ng bala ng snow pea eh dapat deadbol narin kayo just like the Peas shooter. Kaso hindi eh (tho bumabagal lang kayo at nagiging aysikels)
Hayz, madami pa akong reklamo sayo, saying hindi ko na maalala. Hayaan mo sa susunod na may reklamo ulit ako susulatan kita agad. Yes ako na mismo kokontak sayo kasi walang kwenta naman itong si Crazy Dave (bagay sa kanya ang name nia in fairness).
Please lang sana naman sa mga susunod na level eh hindi kana ganon kahirap patayin. Aba napupuyat nako kakalaro sayo ah!
Nagmamahal,
Kapitbahay ni crazy Dave