Showing posts with label scary. Show all posts
Showing posts with label scary. Show all posts

Wednesday, October 22, 2008

Si Mumu at Ako

In the spirit of halloween, magpost naman tayo ng mga kwentong katatakutan (daw!) kahit walang kwenta..hehehehe

Minsan while I was driving in Tagaytay, nakwento sa akin ni Olive na meron daw nagpapakitang multo sa kahabaan ng Tagaytay hi-way pag-gabi at minsan nagpapakita pa ito sa loob ng tsikot ng mga driver. Ang una kong reaction was one: duh! obviously ang multo eh makikita lang sa gabi kase hindi na sha nakakatakot pag nakita mo sha sa hi-way ng umaga and two:ano gusto ng multo, free ride? kapalumuks ha!.

Anyway, after ako mabatukan ng mahal kong kaibigan dahil sa pabalang ko na salita eh napag-isip isip ko rin, what if nakakita nga ako ng multo at ano ang magiging reaction ko. Well shempre at first eh magugulat/takot ako pero sa tingin ko panandalian lang yun kasi after that eh malamang iba na ang magiging reaction ko. So ganito let me specify the event/place and my reaction pag nakaencounter nga ako ng kakaibang nilalang.

Scene 1: Multo nagpakita sa loob kwarto in the middle of the night
Ako:Puede magpatulog ka?Palibhasa di ka kasi natutulog at wla kang pasok kinabukasan. Pag ako nalate ng gising patay ka sa akin bukas!

Scene 2: Drag racer na multo sa BF Homes:
Ako: Sorry but i don't want to meet my car insurance agent ngayon. He's on vacation eh.

Scene 3: Ligaw na multo sa Film Center Institue sa CCP
Ako: Nabyaran ba kayo ng overtime pay niyo bago kayo matigok?

Scene 4: Multo sa loob ng sinehan ng Metropolis Alabang
Ako: Libre sine???? KAPAL!!!!!

Scene 5: Nagpapakitang multo sa gilid hi-way ng Tagaytay
Ako: Kahit na Adventure ang tsikot ko, hindi po ako FX taxi! Wag nio po ako parahin!

Scene 6: Nagpapakitang multo sa hi-way ng Tagaytay pero nasa loob na sha ng kotse ko (I)
Ako: Pag-GAS ka naman!!!

Scene 7: Nagpapakitang multo sa hi-way ng Tagaytay pero nasa loob na sha ng kotse ko (II)
Ako: Bagong carwash lang to ng Tatay ko, pag nangamoy bangkay sa loob ng kotse ko sisipain kita palabas habang umaandar pa ang kotse ko.

Scene 8: Babae sa Balete drive.
Ako: Sorry hindi ko po trip ang short time. Dun po kayo sa QC circle tumambay o sa Quezon Ave.

Scene 9: Multo sa office @ 9:00pm (I)
Ako: Instead of manakot ka dyan buti pa ipaphotocopy mo nalang ako nitong mga documents ko. 3 copies each. Dali!!!!

Scene 10: Multo sa office @ 9:00pm (II)
Ako: Dun ka manakot sa mga taong walang deadline sa work, wag moko guluhin, I'm busy!

Scene 11: Multo sa PUP Library
Ako: Tambay ka lang naman dito sa library, di ka naman nagbabasa. Asan ID mo?

Scene 12: Multo sa haunted house
Ako: To make yourself useful, magwalis walis ka naman dyan. Tamad nito!

Yun lang po =D