Showing posts with label high school. Show all posts
Showing posts with label high school. Show all posts

Friday, October 17, 2008

Mga hindi malilimutang sandali sa Elementarya at Sekondarya.


1. Soli bayad!

Nung minsan noong 4th year high school ako nadelay ang retreat namin sa school at walang kasiguraduhan kung kelan ito magaganap. Sa sobrang inis ko sinabi ko nalang sa aming guro “Mam, kung hindi rin po tayo matutuloy mabuti pa isoli nio nalang po yung bayad namin!”. At matapos kong sabihin iyon ay sabay sabay na nagchant ang mga bobito kong kamag-aral nang “SOLI BAYAD!”. Ang ending: tumakbong palabas ng silid aralan si mam na umiiyak at after that eh sinugod kami ng Principal sa classroom sabay paliwanag kung bakit nadelayed ang retreat. Buti nalang hindi ako sinumbong ng mga bobito kong klasmeyt na ako pasimuno ng gulo or else goodbye high school life na ako.

2. Section 2 vs. Section3
Nung nasa grade 5 ako,magka-away na mortal ang gaming guro at ang guro sa Section 2. Sa sobrang galit nila isa’t isa, gusto ng Mam namin na mataasan ang grado namin sa Section 2. So, anong ginawa ni Mam para tumaas ang grado namin: GIVE AWAY ANSWER habang examination days. Happy si Mam dahil nataasan nya si mortal enemy in terms of overall grade ng mga student, happy kami dahil karamihan sa amin ay umakyat ng section nung nasa Grade 6 nako. Everybody happy!!!

3. Susi ng Karunungan
Nung grade 4 ako, maaga ang pasok naming sa school. Si Mam, dahil narin sa kanyang edad (parang Lola na sya kung titignan, pero peyborit ko talaga sha, Sumalangit nawa ang kaluluwa nya) ay palagi nalang sha nahuhuli sa klase. Ang ginawa nya, inatasan niya ako na kumuha ng susi ng klasroom sa bahay nila tuwing umaga (sipsip!!!!) para hindi kami maghintay ng matagal sa labas ng klasroom pag wala pa sya. Isang beses na kukunin ko ang susi sa bahay nila kinatok ko ang bahay nila Mam pero walang sumasagot. Ang sabi ng kapatid niya ay akyatin ko nalang daw sa kanyang silid si Mam para kunin ang susi. Bilang masunurin na bata umakyat ako sa silid ni Mam doon ay nakita ko ang: SALAWAL ni Mam na nakasampay sa bukana ng silid! Ayun pala nakapasok pumasok si Mam sa skul ng maaga kaya nagkasalisihan kami. Yan tuloy nakita ko ang inner secret ni Mam ng di inaasahan.

4. Love Team Por Eber
Simula Grade 2 hanggang Grade 6 isang babae lang ang nalilink sa akin. Well, totoo naman crush ko na sya bata palang kami at pinagkakalat ko ito sa buong klase naming, pati sa slum notes, slum book, flames hope camel, etc.. Pero ang nakakatawang rebelasyon last year, nang maisipan kong hanapin sya sa Friendster at maglagay ng testimonial doon at sabihing “Crush ko sya since grade 2” eh nagulat nalang sha. Ang kanyang reaksyon ay HINDI NYA PALA ALAM. Toink!



5. Drama Special
Sa buong high school life ko hindi lilipas ang isang taon na walang guro ang iiyak at magdra-drama sa harapan ng mga kawawang estudyante. Nakita ko na ang ibat-ibang klase ng pag-iinartepagdra-drama ng mga guro katulad ng paghahagis ng libro,walis tambo, walis tingting,bunot,ruler,blackboard eraser,chalk,kurtina, etc. para maipakita ang galit nila, or paglilitanya ng talambuhay nila, paglalabas ng sama ng loob dahil bobito ang mga estudyante, and the rest goes on. In fairness pag nakita kong umiiyak si Mam eh napapaisip nalang ako ng: “BA’T KAYA HINDI NAGING DRAMATIC ACTRESS SI MAM. ANG ARTE NYA KASI EH”.