Tuesday, January 20, 2009

Happiness

(paunawa sa mga mambabasa:ang nakalathala dito ay pawang kasentihan.ang mga ayaw ng senti, huwag na magtangkang basahin ang nasa ibaba.panunawa ng magulang ang kailanga)


kagabi, habang nagmamaneho ako pauwi mula sa aking pagtuturo sa tuloy sa don bosco, naalala ko sa ganitong panahon noong 2008 at ganito ring sitwasyon kung ano nga ba ang aking gagawin pag nakauwi nako sa pilipinas. yung tipong mga plano na tiyak mag-eenjoy ako at talaga namang namiss kong gawin habang akoy nasa ibang bansa. at tinignan ko ang aking mapagkakatiwalaang planner at binasa (habang naka-pula ang ilaw sa kanto ng alabang-zapote road at alabang hills)kung ano nga ba ang mga pinagsusulat ko dito, at ito ang mga iyon:


1. bumili ng cool na jacket sa addidas katulad ng kasamahang kong si JB na meron atang pitong jacket sa iran (at pinili pa nya yung mga kulay na gusto ko!!).
2. kumain ng baboy at hipon.
3. uminom ng red horse.
4. mamasyal sa korehidor at intramuros.
5. palaging nasa malate pag araw ng sabado ng gabi hanggang linggo ng umaga.
6. mag-jim.
7. bumili ng sasakyan
8. pumunta sa boracay
9. bumili ng pinakabagong bersyon ng selfon.
10. matuto ng bagon isports.

matapos kong basahin ang aking pinagsusulat ay natawa na lamang ako, sapagkat dito makikita kung paano talaga ako ka-desperado para sumaya. sa kadahilanang bagot na bagot na talaga ako sa aking kinalalagyan doon kaya kung ano-ano na lamang ang naiisip ko. pero kung susumain ko ang taong dalawang libo at walo eh halos hindi rin pala nakumpleto ang aking mga isinulat, kasi:

1. wala na yung magandang jacket sa addidas.luma na daw yung gusto kong design kaya na phase-out na.
2. eto nagawa ko na to.
3. hindi pako nakakainom ng red horse, kasi madalang nalang ako uminom ngayon dahil yung mga tomador kong kaibigan ay busy na sa work, ganun din yung mga pinsan ko, lahat busy.
4. yung sa korehidor di parin ako nakakapunta, may nagsabi sa akin hindi daw maganda dun kaya nawalan din ako ng gana (at mahal ang 3,500 na tour fee huh!). sa intramuros, ayun nakapunta ulit ako noong a-bente sais ng disyembre kasama ang ilang kaibigan.
5. hindi narin ako nakabalik sa malate hanggang ngayon, parehong dahilan sa numero 3
6. aha! eto ginagawa ko to ngayon =D.
7. isa pang nagawa ko hehehe.
8. hindi parin ako nakakapunta sa boracay kasi wala akong kasama, ang paliwanag nila masyado daw mahal pumunta dun.
9. hindi rin ako bumili ng pinakabagong bersyon ng selfon ng nokia, ang totoo, kung hindi pa nasira ang luma kong selfon (na pinagtatawanan na dito sa opisina sapagkat lo-tek na dw sha) eh hindi pako bibili ng bago. napabili tuloy ako ng sony-erikson, at ang nakakatawa 3 kaming nasa komunidad na pare-pareho ang selfon.
10. sinubukan kong maglaro ng badminton subalit tatlong araw ang makalipas ay masakit parin ang aking katawan.sinubukan ko rin mag-yoga (isports nga bang matatawag ito) subalit mas lalong sumakit ang aking likod dahil dito.

kung inyong susuriin, siguro ay nasasaisip nio na siguro hindi ako masaya sa buhay ko ngayon base sa mga inilista ko. oo, sa simula ay dikumpyado ako sa sarili ko sapagkat hindi ko nakamit ang aking minimithing pangarap, pero hindi lang naman dito umiikot ang aking mundo at hindi rin lang ito ang aking pinaggagawa sa nakalipas na mga buwan. may mga magagada ring nangyari sa akin tulad nang:

1. pagtuturo sa mga bata sa tuloy sa don bosco...
2. kung saan nakilala ko ang mga bagong kaibigan sa pang-araw ng Huwebes..
3. at nakilala ko ng lubusan si Ate R...
4. na shang nagbigay lakas ng loob sa akin na gamitin na ang aking nakatenggang sasakyan.
5. at sya rin ang nagturo sa akin kung paano magmaneho ng maayos.
6. at higit sa lahat niyaya nya ako sa grupong lingkod ng panginoon.
7. kung saan nakilala ko ulit ang ating panginoon at nakasalamuha ang mga bagong kaibigan.
8. natutunan din ang kawang-gawa sa pamamagitan ng Gawad Kalinga at pagsisilbi sa Bilibid.
9. natutong magmahal at masaktan.
10. magpatawad.

natutunan ko na hindi lang pala materyal na bagay ang nakakapagpasaya sa akin kungdi pati narin ang pakikipag-kapwa tao at higit sa lahat ang may matatag na panalangin sa ating poong maykapal ay sapat na para tayo ay sumaya. natatawa ako sa katagang ito dahil lubos ko pang naaalala 4 na taon ang lumipas na sinabi ng aking kasamahan sa opisina ang ganitong kataga "those people who says money can't buy happiness are poor people" at ako naman ay sumangayon, pero ang hindi ko alam ay totoo pala itong kasabihan na ito.

labing walong araw mula ngayon,isang taon na naman ang lilipas sa aking buhay.kung may nagtanong sa akin kung kung nakapag-enjoy na ba ako sa buhay ko pagkabalik mula sa iran, ang maitutugon ko malamang ay isang malutong na "OO".


ang emo na masaya
theonoski

5 comments:

Rio said...

makikibasa lang sana ako at di na mag iiwan ng komento pero napangiti ako sa statement mo na ito..

"sapagkat dito makikita kung paano talaga ako ka-desperado para sumaya."

..natawa lang ako nung binalikan ko yung list mo kung ano ang mga bagay na makakapagpasaya sau..



at dahil napatayo mo ako para pumunta sa kalendaryo at bilangin kung anong araw ang pang labing walo simula sa araw na ito..

advance happy birthday theo..
feb.7 ba?? tama ba ang bilang ko??

eto na talaga ang totoong comment ko..lols

may mga simpleng bagay talaga sa mundo na nakakapagpasaya sa isang tao na hinding kayang tumbasan ng pera..

Rio said...

ang haba pala ng comment ko...

Theonoski said...

okey lang doc kahit mahaba comment, ala naman masyado nagbabasa nitong blog ko hehehe.sa feb.9 b-day ko.mali ata bilang ko din hehe

Anonymous said...

hehehe. Aquarius. Sumpungin. Matigas ang ulo. Independente. Mapag matyag. Maabilidad. Alagad ng sining at musika. Tumutulay sa hibla ng katalinohan at kabaliwan.

Theonoski said...

Aquarius. Sumpungin (Tama). Matigas ang ulo (Minsan). Independente (Tama). Mapag matyag (Tama). Maabilidad (Medyo). Alagad ng sining at musika (Tama ba to?parang wala ako nito ah!). Tumutulay sa hibla ng katalinohan at kabaliwan (Paminsan-minsa lang naman).

Salamat pre!