Hindi ako makatulog ngayon ng maaga, dahil siguro naparami ako ng kain ng tinola at pickeld garlic kaya eto malapit na ang 12:00am e gisig pako. Sa ngayon pinapatugtog ko nalang ang kakadownload ko na mga Christmas Songs (150 songs in one album, ang galing!) para pampaantok.
At habang nakikinig at nagtatanim ng pakwan sa farmville (oi aminin,naglalaro karin nito!) eh biglang tumugtog ang kantang "It's beginning to look a lot like Christmas" at bigla akong napaisip, hmmmm..honga noh dama ko na (hindi po ikaw ang tinutukoy ko Mar roxas) ang pasko dito sa Saudi!
Unang unang ibidinsya (ika nga ni mommy D) eh 5pm palang e parang 7pm na!ang dilim na kaya kahit bagong labas palang ng opis. Then ang lamig na ng simoy ng hangin (yahoo!), at masarap maglakad-lakad kahit 10am kasi malamig ang hangin at hindi na humid =D. Pangatlo eh SALE na sa mga mall para sa kanilang Summer collection. Ayos, tamang tama pag nag sale ngayon ilang buwan lang eh summer naman sa Pinas hahaha. Hello Skyfreight Cargo Express!
Hay, buti nalang this Christmas eh i'll spend it in the Phils, talagang inisakto ni Papa God na pauwiin ako sa Pasko para naman hindi nako malungkot ulet pag Pasko na (katulad ng nangyari sa Iran). At para naman sa maiiwan naming friends dito sa Khobar eh may "secret" Christmas Party naman kami para sa kanila para di na sila ma-sad =D.
Ang dami ko na ngang plano sa december vacation, mga guesting, hosting, ribbon cutting, binyag, kasal, kumpil, you name it i got it. Akala siguro nila pag galing abroad eh mayaman, haha! Im excited as well for this vacation coz makikita ko narin ang aking best friend mula sa seminario, and ililibot nia daw ako sa mga hidden treasures ng Tagaytay (andun kasi seminary nila). Iba talaga pag may matalik kang kaibigan, talagang you'll treasure every moment with them.
Sa mga kabayan ko dito sa Saudi Arabia, advance merry christmas po sa inyo! Ihanda na po natin ang ating mga jacket dahil tag-lamig na at kaibiganin na ang mga pinoy na nagtratrabaho sa Saudi Aramco para makapagsimba po tayo dun!