
Dear Mr. Defensor,
Ang tagal din po namin hindi kayo nakita sa TV nor marinig sa radyo, siguro bising bisi kayo sa trabaho nio sa Philippine National Railways. Pero noong isang araw muling nakita namin kayo sa TV at this time ay kasama nio si Presidente Arroyo at VP de Castro na pinasinayanan ang mga bagong tren ng PNR. Aaminin ko sobrang natuwa ako (at maraming Pilipino siguro) dahil binalik ulit ang bagong sigla ng PNR.
Maganda ang naging renovation sa PNR, mula sa pagkakalipat ng mga squatter mula tutuban hanggang alabang (undergoing pa ata ito ngayon) at yung mga pocket parks sa ilalim ng Magallanes flyover (Edsa station). For the first time naging malinis ang riles :D. Minsan napunta rin ako sa school namin sa Sta Mesa (PUP po skul ko) at nakita kong maluwag na ang daanan ng mga estudyante papasok sa skul. Naging mas less ang panganib na nakaabang sa mga estudyante everytime na pumapasok sila sa PUP (at sa tingin ko nabawasan din yung mga mandurukot sa lugar). Mas naging exciting ang pagbabalik ng PNR dahil may balak daw kayong irevive ang linya to Bicol! The last time na narinig ko na may byahe pa na papuntang bicol ay noong 2002 pa! Sana nga maibalik ito para mas maginhawa ang pagbyahe papuntang kabikulan kesa mag bus (at mas enjoy din).
Isang special request lang po sana, kung hindi nio mamasamain. Nakikita nio po ba yung larawan sa itaas ng sulat ko na kinuha ko lang sa skyscraper website (thanks po sa m!)? Yan po ang Paco station ng PNR, kitang kita po sha sa highway pag napadaan kayo sa Paco. Maaari po bang IRENOVATE nio itong napakagandang edipisyo according to its original form. Bigyan ko lang po kayo ng konting background about this station, Pre-War pa po naitayo itong station na ito, at madaming pangyayari napo ang pinagdaanan nitong istasyon na ito. Naging daan ang tren at ang istasyon na ito (at pati narin ang Tutubn) para magpadala ng mga pagkain mula sa mga probinsya papuntang Manila noong panahon ng hapon dahil mahirapa at delikado ang magbyahe sa daan. At noong "Battle of Manila' naging sentro ng labanan ng mga hukbong Hapon at Amerikano ang mismong istasyon. Kung hindi ako nagkakamali halos tatlong araw pinagaagawan ng mga sundalo ang paguukupa sa istasyon dahil maganda ang lokasyon nito para masiwata ng mga Hapon ang mga Amerikano na galing sa bayan ng Makati at para mahawakan parin nila ang Paco, Singalong, at Taft area na kasalukuyan nilang sinusunog noong mga panahon na iyon. Maraming Pilipino ang nagkubli sa istasyon para makatakas sa mga kabahayan nila at tumungo sa La Consolacion (or Assumption ba yun?not sure) para magtago. Ang lugar na rin ito ay malapit sa Pandacan na isa ring strategic point dahil sa mga tangke ng langis na nakaimbak dito (opo, matagal nang panahon na imbakan ng langis ang pandacan). To cut the story short, isang historical building po ang Paco station sa aking pananaw, nagtataka lang po ako kung bakit hindi sha ginawaran as such tulad ng pagpapahalaga natin sa ibang mga Pre-war building sa Manila like the Post Office, Aduana Circle, Manila City Hall, Intramuros, etc.

Nagulat nalang din ako nang nabalitaan ko dati na gigibain ang Paco station, though di ko alam kung ano ba talaga ang dahilan. Pero everytime na humihinto ang tren sa istasyon ng Paco tanging nakikita ko lamang ay unfinished structure sa katabi nito. Kung hindi ako nagkakamali at kamag-anak ni ex-President ramos ang may-ari daw nito pero hindi naman natuloy ang proyekto. ngayon makikita nating half demolished na ang building. Buti na lamang at hindi pa nila ginigiba ang harapan ng istasyon at makikita parin natin ang magandang art deco nitong disen yo. Sana hindi matulad ang Paco station sa Jai-Alai building na isa ring napakagandang edipisyo na pinagiba ni Mayor Atienza dati at hanggang ngayon ay hindi pa naitatayo ang naipangakong "hall of justice' daw.
In short, sana naman po maisama nio sa inyong proyekto ang pagrenovate sa Paco Station at tiyak ko po, kung may balak kayong tumakbong senador sa 2010 ay ako mismo mangangamoanya sa inyo sa internet hehehe. Hindi ko po maipapangako na maibibgay ko ang boto ng mga internet users katulad ng pagbibigay ng mga Garcia ng boto kay Pangulong Arroyo sa mga taga Cebu pero sa tingin ko po malaki po ang tsansa nio sa mga internet savvy peopleD. Magandang simula napo ang pagbabalik ng PNR, sana po magtuloy-tuloy pa po ito.
lubos na gumagalang,
theonoski
No comments:
Post a Comment