(ganda diba??)

Marami din akong masasayang ala-ala sa PNR, third year noon ako at bagong lipat lang kami sa laspinas. Buti nalang ang mga newly found tropa ko ay taga Bicutan at Alabang kaya kapag umuuwi kami sabay sabay na kami sumasakay sa tren. Kahit madalas "late" or nasisiraan, or sobrang sikip kapag rush hour ay sumasakay parin kami kasi masaya sumakay, tsaka masarap makipagkwentuhan sa mga kaibigan habang nasa byahe. Actually noong nasa 5th year nako sa kolehiyo (5 years po ang engineering ha, baka akalain nio bumagsak ako!) saka lang natigil ang pagsakay namin ng tren dahil late na kami umuuwi (last trip kasi is 6pm, ang labas ko sa skul ay 8pm na) at natuklasan namin na mas mabilis pala mag LRT from D.Jose to Baclaran then pauwi sa laspinas or mag bus sa Sta Cruz. Derecho na mabilis pa =D.
Anyway, sa loob ng 2 taon na pagsakay namin ng tren maraming pagkakaibigan ang namuo, naging isang malaking tropa kami. Shemmpre hindi rin mawawala ang mga "crushes" at mga "ligawan". Aaminin ko may niligawan ako na nakilala ko sa tren, at yung isa naman ay tropa ng kasama ko sa tren (RIP). Pero pareho hindi nagtuloy dahil busy ako sa pag-aaral at wala akong pang date =P. Pero minahal ko naman si "Alabang Girl", yun lang niloko lang pala ako. =(.
Ang isang maituturing kong magandang naidulot sakin ng tren ay naging matibay ang pagkakaibigan namin ni Onin, ang aking bestfriend. Limang beses sa isang linggo ba naman kami magkasama, mula pagpasok at paguwi ay magkasama kami eh ewan ko lang kung hindi pa kami maging close hahaha. Marami kaming mga napagkwentuhan ni Onin like sa buhay namin, mga pangarap, crushes ulet, plano sa buhay, etc. Isa ito sa maituturing kong "treasured moments" namin. Hanggan ngayon ay magkaibigan parin kami (shempre!) at ninong ako ng anak nya at nakatira sila sa Cavite. Kapag naalala ko ang mga moments namin sa tren eh napapangiti nalang ako.
Isang exciting trippings naman namin dati ay nung sumakay kami sa driver coach ng tren at nakita namin kung papano paganahin ang tren. Nabigyan din ako ng pagkakataon na pihitin ang busina ng tren, in short nanggulo kami kay mamang driver =P. Pero sobrang saya namin noon, para kaming mga bata (tho bata pa naman talaga kami kasi 21 lang ako nun!0 na first time nakasakay sa tren!
Sana sa bagong labas na tren, mas maraming pagkakaibigan at pagibig pa ang umusbong para mas masaya lalo ang buhay =D.
2 comments:
buti ka pa nakasakay ka. ako hindi talaga. sana masakay ko pa kahit yung papuntang alabang. mawawala na kasi.
buti rin at nakapunta kayo dun sa kung saan to pinapatakbo.
magandang balita ito dito. hopefully next week, subukan ko.
ingat lagi. sending you the first email on friday.
yeah dong, try to ride the train.exciting sha ngayon since bago na ang mga coach.
looking forward to that email as well :D
Post a Comment