Eksena Uno
Lumapit si Empleyado, na nakasuot ng makapal na jaket,nanginginig sa lamig at ngongo na sa pagsasalita dahil sasipon, kay Manager para magpaalam na uuwi dahil nilalagnat sha.
Empleyado: Sir, half day lang po ako ngayon.
Manager: Baket?????
Empleyado: Nilalagnat po ako (sabay singhot)
Manager: Aba hindi kapuede umuwi,wala kang pruweba na my sakit ka!
Ako: dahil sa narinig ko ang usapan nila at bilang superior ni empleyado gustoko sumabat ng "DUH! Di ho ba obvious?"
Manager: You needto have the authorization of the doctor to be able to justify your claim that youre sick.
Empleyado; Sir, hapon pa dadating si doc,baka huli na ang lahat pagdumating sha.
Manager: Well,if that's the case,ipalilibing nalang kita.
(shempre jokelng po yung sagot ni manager ha! hehehe)
Turns out hindi sinunod ni empleyado ang payo ng manager atumuwi nalang sha ng walang permiso ni doc. =D.
***********************************************************************************
Eksena Numero Dos
Addidas Store sa Festival Supermall
Ako: Hello,ekskyusmi Miss, pede ba dito magpa register para sa Marathon ng Addidas this coming Saturday sa The Fort for the Gawad Kalinga Expo.
Hindi Kagandahang Store Clerk: Sir, wala pong ganung marathon for Gawad Kalinga, meron po kami para sa Addidas Marathon lang.
Ako: Ah ganun ba,pero ganito rin ba ang details (sabay litanya ng exact details ng nasabing event).
HKSC: Sir ganun nga po,pero hindi po kami yung sa Gawad Kalinga.
Ako: Pero hindi ba obvious na same place and time yung event natin,so basically yun din yun.
HKSC: Sir hindi nga po, puede po ba later ko nalang kayo entertain,madami po kasi nakapila eh.
Ako; lumabas ng store ng di nagpaalam.
Ang ending, I need togo to Podium mall later today para duon magparegister, baka naman since sosyal ang mall eh may commonsense din an mga staff.
6 comments:
Okay yung scene 1, parang dito rin. Hindi ka pwedeng mag-absent w/out doctors order. Kaya kahit nangangatog ang tuhod mo't nilalamig dahil sa trankaso. Kailangang pumunta sa doctor para kumuha ng kapirasong papel kung hindi bawas ang sweldo mo. Napaka gagong logic!
galit rin ako sa tanga. di bale nang bobo, at least nagsisikap.. pero ang tanga? walang gamot para diyan. hehehe
nakakapang init nga naman ng ulo yan lalo na yung scene #1.
ano ba gusto nung boss? makita yung empleyado nya na gumagapang palabas ng building bago nya payagang umuwi??
hi theo, may problema ata sa new entry mo at hindi ako makapag comment..kaya d2 nalang ako mag iiwan ng komento ko..
mukha ngang badtrip ang araw mo kahapon...eto o! yung 2 tenga ko..handang makinig..20 pesos lang per hour..lol..
smile theo=)
hi doc rio. musta na? i delete my new post kanina lang.bad trip pa din kasi ako until now.nadala lang ng bugso ng damdamin yung pagpopost ko kahapon hehehe.
thanks for the lending ear =D.
huh? badtrip ka pa din ba?? o eto na nga sina left and right ears ko...bale 40 pesos per hour na ang rent ha...joke lang...hehehe
ito gawin mo..
count 1-10..
take deep breath...
relax..
tapos
pray... effective yan.. try mo lang..
pag umepekto pala yan.. 100 pesos ang bayad para sa consultation fee..joke..im just trying to make u smile..=)
Post a Comment